Red rainfall alert sa Nueva Ecija

 

tinaas na ng PAGASA ang RED rainfall warning sa probinsya ng Nueva Ecija simula kaninang alas-12:30 ng hatinggabi.

Sa ilalim ng Red rainfall warning, maaring makaranas ng malakas na pag-ulan na magdudulot ng matinding pagbaha ang mga lugar na madaling bahain sa lalawigan.

Sa ilalim ng red rainfall warning, makakaranas ng mahigit sa 30mm na ulan sa loob ng isang oras at inaasahang tatagal pa hanggang sa susunod na dalawang oras na maaring magdulot ng malalang pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.

Itinaas naman ang YELLOW rainfall warning ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Northern Quezon, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Zambales at Bataan.

Ibig sabihin nakapagtala ng pag-ulan na mula 7.5mm hanggang 15mm o mabigat na pag-ulan sa loob ng isang oras at inaasahang tatagal hanggang sa susunod na dalawang oras.

Maari rin itong magdulot ng pagbaha sa mga mababang lugar.

Read more...