Admin bet Dong Mangudadatu gumastos ng P109M na personal niyang pera noong nagdaang eleksyon
Personal na pera lang niya ang ginastos ni Maguindanao Representative Zajid Mangudadatu sa kampanya bilang senador noong 2019 midterm elections.
Base sa kaniyang Statement of Contributions and Expenses (SOCE) na isinumite sa Commission on Elections (Comelec) ayon umabot sa P109 million ang nagastos ni Mangudadatu.
Nakasaad din sa SOCE na bagaman mayroong in-kind contributions para sa kaniya na P21,316,822 ay hindi niya ito ginalaw.
Sa ilalim ng election law, ang mga sobrang campaign contribution ay maaring ibalik sa nag-donate o kaya ay itago na lang ng kandidato.
Si Mangudadatu na miyembro ng ruling party na PDP-Laban, ay nagtapos sa pang-19 na pwesto noong nagdaang eleksyon na mayroong 7.4 million votes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.