Mga bagong X-Ray units bibilhin ng DA at ilalagay sa mga paliparan para masigurong ligtas ang bansa sa African Swine Fever
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng mga X-Ray units na ilalagay sa mga paliparan sa bansa upang masuri ang mga agricultural products partikular na ang mga meat product.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol aprubado na ng pangulo ang paggamit sa Quick Reaction Fund (QRF) ng Department of Agriculture para sa emergency procurement ng 20 units ng X-Ray machines para maprotektahan ang bansa laban sa African Swine Fever.
Ang mga bibilhing X-ray machines ay ilalagay sa mga paliparan sa bansa para ang mga hand carried at checked in baggages ng mga parating na pasahero ay masuri ng husto.
Tinatayang aabot sa P130 Million mula sa QRF ang gagastusin sa pagbili ng mga makina.
Sa ngayon, mahigpit ang ipinatutupad na quarantine measures ng DA sa mga dalang meat products ng mga galling Australia, New Zealand, Japan at US.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.