Taylor Swift maglalabas ng bagong album sa Agosto

Maglalabas ng bagong album si Taylor Swift sa buwan ng Agosto.

Inanunsyo ito ni Swift sa kaniyang Instagram acount.

Ayon sa pop singer, ang album ay may titulong “Lover” at sa Agust 23 ito ilalabas.

Ibinahagi din niya ang larawan niya na gagamiting cover para sa bagong album.

Mayroong 18 kanta sa album at ang bago niyang single na “You Need to Calm Down” ay ilalabas na sa June 17.

Taong 2017 nang huling mag-release ng album si Taylor Swift na “Reputation” na nakabenta ng 1.2 million copies sa loob lang ng unang linggo.

Read more...