De lata na nakumpiska sa isang OFW sa Clark Airport nag-positibo sa African Swine Fever

Nagpositibo sa African Swine Fever ang de lata na dala-dala ng isang Overseas Filipino Worker na dumating sa Clark Airport galing sa Hong Kong.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol. dumating sa bansa ang OFW noong March 25, 2019 at kinumpiska ang mga canned meat na kaniyang dala-dala.

Isinailalim sa pagsusuri ang mga de lata at ayon kay Dr. Rachel Azul ng virology section ng Bureau of Animal Industry (BAI), nagpositibo sa ASF ang mga nakumpiskang de lata sa OFW.

Luncheon meat dala ng naturang OFW na sinuri sa Animal Disease Diagnostic Laboratory.

Sa kabila nito, sinabi ni Piñol na nananatiling ASF-free ang Pilipinas.

Wala pa rin kasing napapaulat na swine fever infections sa mga baboy sa bansa.

Read more...