Lalaki nahulihan ng matataas na kalibre ng baril sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 09:49 AM

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng matataas na kalibre ng baril sa Imus City, Cavite.

Ayon kay Police Lt. Col. Junar Alamo, hepe ng Imus City police, naharang sa checkpoint ang hindi pinangalanang suspek, alas 2:00 ng madaling araw ng Biyernes (June 14).

Sakay ang suspek ng Toyota Innova at nang busisiin ang sasakyan sa bahagi ng Bayang Luma ay nakita ang dala nitong mga armas.

Kabilang sa nakumpiska sa kaniya ang anim na matataas na kalibre ng baril gaya ng M16 at Uzi.

Wala namang naiprisintang dokumento ang suspek sa mga dala niyang armas.

TAGS: cavite, high powered firearms, Imus City, cavite, high powered firearms, Imus City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.