5 magnanakaw ng motorsiklo sa Caloocan arestado

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 09:36 AM

Inaresto ang limang lalaki na umano ay sangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Caloocan City.

Noong Martes dumulog sa mga pulis ang isang Alyas Len, matapos na manakaw umano ang kaniyang motorsiklo sa harap mismo ng kaniyang bahay.

Makalipas ang dalawang araw ay nakita niya mismo ang isang lalaki na bitbit ang rim ng kaniyang motorsiklo.

Sinuibukan umano nilang harangin ang suspek at pagkatapos ay humingi sila ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Nang puntahan ang bahay ng suspek ay nakita nila ang iba pang mga motorsiklo at iba’t ibang mga pyesa nito.

Kung susumahin ay mahigit 13 na mga nakaw na motorsiklo ang nakumpiska sa suspek.

Nadatnan din sa lugar apat na iba pang lalaki na dinakip rin ng mga otoridad.

TAGS: caloocan, motorcycle, Radyo Inquirer, caloocan, motorcycle, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.