Muling isinailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid.
Ito ay dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente sa Luzon.
Ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 10:00 hanggang alas 11:00 ng umaga at ala 1:00 hanggang alas 3:00 ng hapon ngayong araw, June 14.
Hindi naman inaasahan na magdudulot ito ng pagpapatupad ng rotational brownout.
Pero payo ng NGCP sa publiko, magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na sa mga oras na nakataas ang yellow alert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.