Sen. Grace Poe tikom muna sa isyu ng senate committee chairmanships sa 18th congress

By Jan Escosio June 14, 2019 - 08:39 AM

Tumanggi si Senator Grace Poe na kumpirmahin ang mga komite sa Senado na kanyang pamumunuan sa pagbubukas ng 18th Congress sa susunod na buwan.

Katuwiran ni Poe hindi pa plantsado ang lahat at aniya magbobotohan pa naman ang mayorya para sa pamumuno sa mga komite.

Unang inanunsiyo ni Senate President Vicente Sotto III na binitawan na ni Poe ang Committee on Public Information para sa isang bagong halal na senador kapalit ng Committee on Banks, na hawak pa ngayon ni outgoing Sen. Francis Escudero.

Dagdag ni Poe may mga naiisip pa siya kung saan siya makakatulong bagamat aniya nais niyang hawakan pa rin ang Committee on Public Services sa katuwiran na marami pang isyu sa komite na nabitin o nakabinbin na gusto niyang matapos.

Ang paghahati sa mga komite sa mga incumbent at incoming senators ay napag-usapan noong nakaraang linggo sa welcome dinner para sa mga bagong halal na senador sa bahay ni Sen. Manny Pacquiao.

TAGS: 18th congress, committee, committee chairmanship, grace poe, senate, 18th congress, committee, committee chairmanship, grace poe, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.