50 arestado sa pagbalag sa mga ordinansa sa Pasay City

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 06:27 AM

Umabot sa 50 katao ang dinampot ng mga tauhan ng Pasay City police dahil sa iba’t ibang uri ng paglabag.

Ayon kay Police Lt. Col. Deanry Francisco ng Pasay City police, karamihan sa mga hinuli ay lumabag sa ordinansa ng lungsod tulad ng pag-inom sa lansangan at pag-ihi sa kalsada.

Kasama sa dinampot ang tatlong Chinese National na nahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar.

Mayroon din namang naaresto nang dahil sapaggamit ng ipinagbabawal na gamot at ang iba ay may mga kaukulang kasong kinakaharap gaya ng pagnanakaw.

TAGS: ordinances, Pasay City, Radyo Inquirer, ordinances, Pasay City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.