Duterte sa NPA: ‘You’re doomed’

By Len Montaño June 14, 2019 - 04:54 AM

Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng komunista.

Ayon sa Pangulo, tiyak na ang kapahamakan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil wala na silang pagkain at tsansa sa land reform program ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa distribusyon ng land reform titles sa Central Mindanao, sinabi ng Pangulo na ang mga rebelde kasama ang mga tulak ng droga ang mga dahilan ng anyay “family dysfunction.

“Whether you like it or not, you NPAs out there, you’re now headed for your doom, you don’t have food, you’re surrounded by leeches,” ani Duterte.

Ibinida ng Pangulo na siya ay namamahagi ng mga titulo ng lupa hindi gaya ng mga rebelde na puro pangako na magbibigay umano ng reporma sa lupa.

Naawa naman ang Pangulo sa mga anak ng mga rebelde na ang mga magulang ay nagdesisyong sumali sa NPA.

Matatandaan na naging on and off na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista.

 

TAGS: doomed, komunista, land reform, land titles, NPA, peace talks, rebelde, Rodrigo Duterte, walang pagkain, doomed, komunista, land reform, land titles, NPA, peace talks, rebelde, Rodrigo Duterte, walang pagkain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.