Airline companies pumayag na gamitin ang Sangley Airport para sa general aviation operations
Pumayag ang mga airline companies na gamitin ang Sangley Airport sa Cavite para sa kanilang general aviation at turboprop operations ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.
Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Tugade ang pagpapadali sa konstruksyon ng airport upang mapaluwag ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang pahayag araw ng Huwebes, sinabi ni Tugade na nakapulong na niya ang mga airlines kabilang ang mga opisyal mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Civil Aeronautics Board (CAB).
Ayon sa kalihim, ipinahayag ng airline companies ang kanilang commitment na suportahan ang gobyerno sa isinusulong na paggamit sa Sangley Airport.
Ani Tugade, gagamitin ng airlines ang paliparan sa kanilang general aviation, freight turboprop operations, at commercial turboprop operations.
Ang general aviation ay tumutukoy sa lahat ng civil aviation operations liban sa commercial air transport.
Samantala, bibisitahin ni Tugade ngayong araw ang Sangley Airport para malaman ang progreso sa konstruksyon nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.