Habagat iiral sa bansa ngayong araw

By Len Montaño June 14, 2019 - 04:16 AM

Mula Abril, mahigit dalawang buwan ng walang pumapasok na bagyo sa bansa.

Pero kahit walang inaasahang papasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa weekend, inaasahan ang pag-iral ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa bansa.

Pinayuhan din ng Pagasa ang publiko sa posibleng thunderstorms ngayong Biyernes.

Ayon sa Pagasa, uulan sa ilang bahagi ng Luzon kabilang sa Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa.

Inaasahan din ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindnanao gayundin sa central at western sections ng Visayas sa umaga habang uualanin ang Samar at Leyte sa gabi.

Pero sa kabila ng inaasahang pag-ulan, nagbabala ang Pagasa ng maalinsangan pa ring panahon ngayong araw.

 

TAGS: Bagyo, habagat, malinsangang panahon, Pagasa, PAR, Thunderstorms, ulan, Bagyo, habagat, malinsangang panahon, Pagasa, PAR, Thunderstorms, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.