‘Pinoy Hachiko’ dog na si Buboy inilibing sa animal cemetery sa Tarlac
Inilibing araw ng Huwebes sa isang animal cemetery sa Capas, Tarlac ang ‘loyal dog’ na si Buboy.
Si Buboy ay ang asong nag-viral sa social media matapos ang matiyaga nitong paghihintay sa faculty room ng yumaong amo na si Carmelito Marcelo.
Noong Miyerkules, ilang linggo lamang matapos ang pagpanaw ni Marcelo ay nasawi rin si Buboy makaraang masagasaan ng sasakyan.
Inilibing si Buboy sa bahagi ng Mabalacat City College kung saan nagturo si Marcelo.
Pero sa inisyatiba ng Animal Kingdom Foundation, inilipat ang aso sa isang animal cemetery.
Ayon kay AKF program director Heidi Caguioa, maaaring mabisita ang puntod ng loyal dog.
Samantala, magsasagawa ng imbestigasyon ang AKF sakaling malaman na ang plate number ng sasakyang nakasagasa kay Buboy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.