Visa-free stay ng mga Filipino sa Cambodia pinalawig pa ng 30 araw

By Rhommel Balasbas June 14, 2019 - 03:49 AM

Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Cambodia araw ng Huwebes na pinalawig ng gobyerno ng Cambodia ang araw na pwedeng manatili ang mga Filipino sa kanilang bansa nang visa-free.

Pagdating sa Cambodia ay visa-free ang mga Filipino mula 21 hanggang 30 araw at maaari pang mag-avail ng extension ng hanggang 30 araw.

Gayunman, ang extension ay maaari lamang gawin ng isang beses.

Kailangan lamang magpresenta ng valid at regular Philippine passport ang mga Pinoy.

Para naman sa mga Filipino na nais mamalagi sa Cambodia ng higit 60 araw, kailangang mag-apply ng visa pagdating sa port of entry sa Cambodia.

 

TAGS: Cambodia, Philippine Embassy, Philippine passport, regular, valid, visa-free, Cambodia, Philippine Embassy, Philippine passport, regular, valid, visa-free

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.