Raptors target na tapusin na ang finals kontra Warriors para sa unang NBA title

By Len Montaño June 14, 2019 - 03:41 AM

Sa ikalawang pagkakataon ay gagawin ng Toronto Raptors na makuha na ang kampeonato sa NBA sa Game 6 ng finals kontra Golden State Warriors Huwebes ng gabi sa Amerika o Biyernes ng umaga sa Pilipinas.

Sa Game 5 ay dalawang minuto na lamang ang layo ng Raptors para masungkit ang unang NBA title pero naharangan ito ng magkakasunod na 3-pointers mula kina Klay Thomson at Stephen Curry na isang makasaysayang 9-2 finish.

Ang ga-hiblang 106-105 win ay hindi lang nagresulta sa one-point Finals margin mula noong 2007 kundi ginawa rin nito ang Warriors na pang-anim na team sa kasaysayan ng liga na manalo ng potential elimination game on the road.

Pabor pa rin sa Raptors ang Game 6 dahil sa 34 na koponan na nanguna sa Finals na may kartadang 3-1, nasa 33 ang tuluyang nakuha ang titulo.

Target naman ng Warriors na umabot sa do or die Game 7 ang finals kahit hindi na naman makakalaro si Kevin Durant na inoperahan dahil sa achilles rapture.

 

TAGS: championship, do or die, Game 6, golden state warriors, kampeonato, nba finals, tapusin, titulo, Toronto Raptors, unang titulo, championship, do or die, Game 6, golden state warriors, kampeonato, nba finals, tapusin, titulo, Toronto Raptors, unang titulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.