Bb. Pilipinas International Patch Magtanong, nanumpa na bilang bagong abogado

By Len Montaño June 14, 2019 - 03:04 AM

IG photo

Kabilang sa mga 1,800 na nanumpang mga bagong abogado ang bagong koronang Bb. Pilipinas International na si Patch Magtanong.

Pero ayon kay Magtanong, pansamantala niya isasantabi ang kanyang legal profession para mag-concentrate sa kanyang kampanya na maiuwi ang titulo bilang Miss International.

Ito anya ay bilang pagtalima sa kontrata sa Binibining Pilipinas.

Ayon sa Filipina beauty queen, isang malaking pribilehiyo na maging kinatawan ng Pilipinas sa international beauty pageant.

Si Magtangong ay law graduate mula University of the Philippines.

Kapag nagsimula na niyang gampanan ang propesyon nilang abogado, ipagtatanggol ni Magtanong ang karapatan ng mga bilanggo na kanyang adbokasiya sa pagsali sa 2019 Binibining Pilipinas.

Isinagawa ng oath taking ng mga pumasa sa 2018 Bar exams sa PICC araw ng Huwebes.

 

TAGS: Bb. Pilipinas International Patch Magtanong., karapatan ng mga bilanggo, law graduate, legal profession, nagong abogado, nanumpa, oath taking, up, Bb. Pilipinas International Patch Magtanong., karapatan ng mga bilanggo, law graduate, legal profession, nagong abogado, nanumpa, oath taking, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.