Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 2 o ‘restriction phase’ sa Sudan bunsod ng kaguluhan sa ilang lugar sa bansa.
Sa inilabas na pahayag, ipinaliwanag ng DFA na itinaas ang alerto para kung may totoong banta sa kaligtasan ng mga Filipino sa lugar.
Kasunod nito, inabisuhan ang mga Pinoy na umiwas sa mga kilos-protesta maging sa mga pampublikong lugar sa nasabing bansa.
Sinabi pa ng kagawaran na dapat nang maghanda ang mga Pinoy doon sa posibleng paglikas.
Nagbabala rin ang DFA sa mga Pinoy na iwasang bumiyahe sa nasabing North African country.
Hahayaan lamang makabalik ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na mayroong employment contract.
Sinumang nangangailangan ng tulong ay maaring tumawag sa Philippine Embassy sa Cairo, Egypt sa mga numerong (+202) 252-13062 o sa kanilang Facebook page.
Maari ring natawagan ang Philippine Honorary Consul sa Khartoum sa mga numerong (+249) 183-468717 o (+249) 183-468716.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.