China minaliit ang pagbangga ng kanilang barko sa bangkang pangisda ng Pilipinas
Minaliit lamang ng China ang insidente ng pagbangga ng kanilang barko sa bangkang pangisda ng Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa China, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang na isang pangkaraniwang maritime accident lamang ang naganap sa Recto Bank.
Anya, patuloy na iniimbestigahan ng China ang insidente.
“From what the Philippine side has explained so far about the situation, this is just an ordinary maritime accident,” ani Geng.
Iginiit ni Geng na sakaling totoo man ang ulat sa pagbangga sa bangkang pangisda ng mga Filipino, anuman ang nasyonalidad ng gumawa nito ay dapat itong kondenahin.
“If the relevant situation turns out to be true, irrespective of which country the perpetrators come from, abandoning should be condemned,” dagdag pa ng opisyal.
Nagbabala rin ang China sa paghalo ng pulitika sa insidente kahit hindi pa lubos na beripikado ang mga ulat.
“Supporting unverified media hype and politicizing the incident, these are irresponsible methods,” giit pa ni Geng.
Una rito, kinondena ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagbangga ng Chinese vessel sa fishing boat ng mga mangingisdang Pinoy.
Pero sa isang pulong balitaan sa General Santos, araw ng Huwebes, hindi na umano sigurado si Lorenzana kung Chinese ship nga ang nangbangga.
Anya, ibinatay lamang niya ang kanyang pahayag sa naging pahayag ng mga mangingisdang Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.