PDP-Laban hinamon na talakayin ng isyu ng umanoy vote buying sa Speakership race

By Erwin Aguilon June 14, 2019 - 01:49 AM

Hinamon ang ruling party na PDP-Laban na takalayin ang isyu ng umanoy vote buying sa pagpili ng sunod na House Speaker sa 18th Congress.

Unang umugong ang isyu ng umanoy vote buying sa House Speakership nang kumpirmahin ito ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at sinundan pa ito ng rebelasyon ni Pampanga Rep. Dong Gonzales na aabot sa P7 million ang bribe money para makuha ang boto ng isang mambabatas.

Sina Gonzales at Alvarez ay kapwa kabilang sa PDP Laban kaya hamon ng isang political analyst, dapat itong silipin ng partido.

Ayon kay political analyst Ranjit Rye, matagal nang lumutang ang umanoy bilihan ng boto tuwing pipili ng House Speakership kaya hindi ito dapat isantabi lalo’t integridad ng iluluklok na House Speaker ang nakasalalay dito.

Sa panig naman ng Partylist coalition ay ibinunyag ng grupo na isa sa kanilang miyembro ang nilapitan din at inalok.

Una rito ay umalma rin ang ilang mambabatas sa isyu ng suhulan kabilang si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na nagsabing nakasisira ito sa institusyon.

Bagamat kapwa hindi tinukoy nina Alvarez at Gonzales kung sino ang nasa likod ng vote buying ay lumutang na isa itong kilalang negosyante na sinasabing malapit kay Speaker aspirant Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na mula rin sa PDP Laban.

Samantala, sinabi ni political analyst Mon Casiple na hindi na bago ang isyu ng vote buying o suhulan sa House Speakership dahil noon pa man ay may mga malalaking negosyante na ang nasa likod ng mga tumatakbong kandidato.

Aniya, hindi lang sa Kamara may gapangan kundi maging sa Senado at sa mga Presidentiables ay may kanya kanyang kandidatong sinusuportahan.

Ang pinagkaiba umano noon ay tago ang lobbying ang mga negosyante kumpara ngayon na umanoy hayagan na.

Una nang binatikos ng Makabayan Bloc ng Kamara ang pakikialam ng mga negosyante sa Speakership race.

“The Speakership is a front war among business tycoons with vested legislative agenda to cradle their interests.Definitely may interes ang mga ito sa speakership dahil ‘yung mga billion dollar interest nila nakatali sa mga paborableng batas at intervention ng Kongreso. May business interests sila sa key sectors gaya ng power, water, fuel, telecommunications, and transportation sectors,” pahayag ni ACT partylist Rep Antonio Tinio.

 

TAGS: 18th congress, hamon, house speaker, Makabayan bloc, mon casiple, PDP Laban, Ranjit Rye, speakership race, vote buying, 18th congress, hamon, house speaker, Makabayan bloc, mon casiple, PDP Laban, Ranjit Rye, speakership race, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.