Eleazar: Computer shop na papayagang maglaro ang estudyante kahit may klase ipapasara
May babala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga computer shop at ibang establisimiyento.
Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ipapasara ang mga computer shop at ilang establisimiyento na papayag sa mga estudyante na maglaro ng online games sa oras ng klase.
Inilabas ni Eleazar ang babala matapos mahuli ang 12 senior high students na naglalaro ng online games at gumagamit ng social media sa Sandbox CyberCafe sa West Rembo sa Makati City.
Ani Eleazar, bibigyan ng proper documentation ang computer shop at irereport ang insidente sa local government unit (LGU).
Umaasa ang hepe ng NCRPO na magsilbi itong leksyon sa mga establisimiyento.
Sa inilabas na Department of Education Order 86, series of 2010, bawal ang mga estudyante sa pampubliko at private elementary at secondary schools na pumunta sa mga computer shop, mall at sinehan sa oras ng klase.
Tuloy naman ang pag-iikot ng NCRPO sa iba’t ibang establisimiyento para matiyak na nasusunod ang ordinansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.