Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Vice Adm. Rene Medina, hepe ng Western Command, tulog ang mga Pinoy nang mabangga ang kanilang bangkang FB Gimver ng barko ng China noong June 9.
Habang lumulubog, pumunta ang mga mangingisda sa harapang bahagi ng bangka para maiwasan ang pagtaas ng tubig sa loob.
Ani Medina, huminto pa ang Chinese vessel ngunit nang lapitan ng dalawa pang bangka ay bigla na itong umalis.
Dalawang oras na nagsagwan ang mga mangingisdang Pinoy bago natulungan ng Vietnamese fishing vessel.
Dagdag pa ni Medina, sigurado ang mga Pinoy na Chinese vessel ang nakabangga sa kanila taliwas sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na posibleng Vietnamese vessel ang responsable sa insidente.
Aniya, matagal nang pumapalaot ang mga mangingisdang Pinoy sa lugar at alam nila ang mga mangingisda mula sa China at Vietnam.