Mga mangingisdang Pinoy tiyak na barko ng China ang bumangga sa kanila

By Angellic Jordan June 14, 2019 - 12:50 AM

Walang ideya ang mga mangingisdang Filipino nang binangga ang bangka nila ng isang Chinese fishing vessel sa Recto Bank sa West Phillippine Sea (WPS).

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Vice Adm. Rene Medina, hepe ng Western Command, tulog ang mga Pinoy nang mabangga ang kanilang bangkang FB Gimver ng barko ng China noong June 9.

Habang lumulubog, pumunta ang mga mangingisda sa harapang bahagi ng bangka para maiwasan ang pagtaas ng tubig sa loob.

Ani Medina, huminto pa ang Chinese vessel ngunit nang lapitan ng dalawa pang bangka ay bigla na itong umalis.

Dalawang oras na nagsagwan ang mga mangingisdang Pinoy bago natulungan ng Vietnamese fishing vessel.

Dagdag pa ni Medina, sigurado ang mga Pinoy na Chinese vessel ang nakabangga sa kanila taliwas sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na posibleng Vietnamese vessel ang responsable sa insidente.

Aniya, matagal nang pumapalaot ang mga mangingisdang Pinoy sa lugar at alam nila ang mga mangingisda mula sa China at Vietnam.

 

TAGS: barko ng China, Chinese vessel, FB Gimver, mangingisdang Pilipino, philippine coast guard, Recto Bank, tulog, Vice Adm. Rene Medina, vietnamese vessel, West Philippine Sea, Western Command, barko ng China, Chinese vessel, FB Gimver, mangingisdang Pilipino, philippine coast guard, Recto Bank, tulog, Vice Adm. Rene Medina, vietnamese vessel, West Philippine Sea, Western Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.