Dating seaman patay sa pamamaril sa Cebu

By Len Montaño June 13, 2019 - 11:10 PM

Contributed photo

Patay sa pamamaril malapit sa kanyang bahay sa Toledo City, Cebu ang isang dating seaman.

Nag-iisang suspek na nakasakay sa motorsiklo ang bumaril sa biktimang si Ronnie Obenza, 50 anyos.

Ayon kay Lt. Col. Janette Refter, Toledo Police Station chief, nagtamo si Obenza ng mga tama ng baril sa kanyang katawan at ulo.

Nabatid na galing ang biktima sa kanyang ancestral house para isindi ang mga ilaw sa bahay.

Sakay ng bisekleta ay umuwi na ang dating seaman sa bahay nito nang bigla itong barilin ng suspek.

Kahit bagsak na ay pinagbabaril pa rin si Obenza ng suspek na agad ding tumakas matapos ang krimen.

Ayon sa pamangkin ng biktima, mabait ang kanyang tiyuhin at wala silang alam na kaaway nito.

Dati anya itong seaman at hindi na muling sumakay ng barko mula nang ito ay ikasal.

 

TAGS: ancestral house, cebu, dating seaman, patay sa pamamaril, toledo city, Toledo Police Station, ancestral house, cebu, dating seaman, patay sa pamamaril, toledo city, Toledo Police Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.