3 patay sa aksidente sa Negros Occidental

By Len Montaño June 13, 2019 - 10:13 PM

Contributed photo

Nasawi ang tatlong katao sa banggaan ng bus at motorsiklo sa Barangay Tabu-ac, Toboso, Negros Occidental.

Ang mga namatay ay ang tatlong nakasakay sa motorsiklo na nabangga ng kasalubong na bus.

Kinilala ang mga nasawi na sina Junrey Bawaan, Arnel Selma at isang 15 anyos na binatilyo.

Nabatid sa imbestigasyon na hinahabol ng motorsiklong sinasakyan ng mga biktima ang isa pang motorsiklo.

Sa pakurbang bahagi ng kalsada ay bumangga ang motorsiklo sa bus.

Dead on the spot si Bawaan habang ang dalawa nitong kasama ay sa ospital na namatay.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus para sa kaukulang imbestigasyon.

 

TAGS: 3 PATAY, aksidente, banggaan, bus, motorsiklo, Negros Occidental, Toboso, 3 PATAY, aksidente, banggaan, bus, motorsiklo, Negros Occidental, Toboso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.