Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nag-text na sa kanya si Chinese Ambasador Zhao Jianhua.
Sa mensahe ni Zhao, sinabi nito na may ginagawa nang malaliman at seryosong imbestigasyon ang China.
Ayon kay Zhao, kaisa ang China sa sentimyento ng Pilipinas kung saan nagagalit ang bansa sa Chinese crew na iniwan sa karagatan ang 22 mangingisda.
Tiniyak pa ni Zhao na kung totoong ginawa iyon ng Chinese crew, karapat-dapat silang bigyan ng leksyon at parusahan dahil sa iresponsableng pag-uugali.
Ayon kay Zhao, ang mga ganitong pangyayari ay nangyayari kahit pa sa isang best regulated family.
Umaasa si Zhao na mailalagay sa tamang konteksto ang insidente sa Recto Bank.
“The fishing boat issue is being thoroughly and seriously investigated. We share your concerns about fishermen. If it were true that it was Chinese fishing boat which did it, they would be duely educated and punished for their irresponsible behavior. Incidents happen even in the best regulated family. We hope this incident could be held in a proper context,” text message ni Zhao kay Panelo.