Founder ng Kapa matagal nang hinihintay sa impiyerno ayon kay Duterte

By Chona Yu, Den Macaranas June 13, 2019 - 07:55 PM

Inquirer file photo

Hindi napigil ni Pangulong Rodrigo Duterte na batikusin ang founder ng Kapa Community Ministry na si Joel Apolinario sa kanyang pagbisita sa General Santos City kanina.

Magugunitang ipinag-utos ng pangulo ang pagpapasara sa Kapa Ministry makaraan itong masangkot sa investment scam na nauna nang ibinunyag ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Sa pamamahagi ng pangulo ng certificate of land ownership sa ilang residente sa lungsod, sinabi nito na matagal nang hinihitay sa impyerno si Apolinario.

Sinabi pa ng pangulo na kapag nagkita sila ni Apolinario ay ipakakain niya sa nasabing religious leader ang ngipin nito.

Humingi rin ng paumanhin si Duterte sa mga miyembro ng Kapa na nauna nang nagsabi na malaki ang kanilang pakinabang sa grupo dahil sa tinatanggap nilang 30-percent “blessing” mula sa kanilang donasyon na nauna nang sinabi ng SEC bilang investment.

Magugunitang lumabas sa mga ulat na umabot umano sa P50 Billion ang perang sangkot sa iligal na investment scheme ng Kapa.

Samantala, pinayuhan naman ng pangulo ang mga land beneficiaries na huwag nilang isangla o ibenta ang kanilang mga nakuhang lupain dahil ipinagbabawal ito sa batas.

Sinabi pa ni Duterte na susuntukin niya ang sinumang magbebenta ng lupa sa hanay ng mga land beneficiaries.

TAGS: duterte, General Santos City, investment scam, joel apolinario, SEC, duterte, General Santos City, investment scam, joel apolinario, SEC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.