Mga kaso laban sa Kapa Ministry inihahanda na ng NBI

By Clarize Austria June 13, 2019 - 06:25 PM

Photo: Claize Austria

Hinahanda na ng National Bureau of Investigation o NBI ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal ng Kapa Ministry.

Kaugnay ito sa diumano’y investment scam na kinasasangkutan ng nasabing samahan.

Ayon sa ahensya, magsasampa ng reklamo sa paglabag ng section 8 at 26 ng securities regulation act dahil nadiskubreng walang lisyensya at may mga mapanlinlang na aktibidad.

Inamin naman ni NBI NCR Regional Director Atty. Cesar Bacani na hindi pa masasampahan ng kasong estafa ang Kapa Ministry dahil wala pa silang natatanggap na reklamo mula sa mga biktima.

Patuloy pa rin daw kasi na nakatatanggap ang mga ito ng 30% interest o tinatawag na ‘blessing” ngunit naniniwala si Bacani na hindi ito magtatagal dulot ng pagsasara ng mga opisina.

Pinapalabas din ng samahan na donasyon ang kinukuha nila kahit na ang totoo ay mga investments ito.

TAGS: blessings, estafa, Investment, KAPA, scam, blessings, estafa, Investment, KAPA, scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.