Duterte galit sa ginawang pagbangga sa banka ng mga Pinoy sa Recto bank

By Chona Yu June 13, 2019 - 03:37 PM

Alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang detalye sa insidente ng banggaan ng Chinese fishing vessel at bangka ng mga Pinoy na  mangingisda sa Recto bank.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, galit ang pangulo sa ginawa ng Chinese crew na iniwanan na lamang ang mga Pilipinong mangingisda sa gitna ng karagatan.

Hindi lang kasi aniya pangbu-bully ang ginawa ng Chinese crew kundi isang barbaric action.

Dagdag ni Panelo, ayaw na munang magkomento ngayon ng palasyo kung nararapat na iakyat sa United Nations ang usapin sa Recto bank.

Mas makabubuti aniyang hintayin muna ang magiging tugon ng China sa diplomatic protest na inihain ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.

Nasa pagpapasya na rin ni Pangulong Duterte kung ipipilit nito ang magkaroon ng leader to leader talk o personal na pakikipag usap kay Chinese President Xi Jingping sa nangyaring insidente.

TAGS: China, DFA, Diplomatic PRotest, duterte, locsin, panelo, Recto Bank, Xi Jinping, China, DFA, Diplomatic PRotest, duterte, locsin, panelo, Recto Bank, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.