4 sa 12 nanalong senador ang nagsumite ng SOCE sa Comelec

By Angellic Jordan June 13, 2019 - 03:31 PM

Inquirer file photo

Sa labing-dalawang naiproklamarang senador, nasa apat pa lamang ang nakapagsumite ng kanilang nagastos sa nagdaang 2019 midterm elections.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), nakapagsumite na ng statement of contributions and expenditures (SOCE) sina Senators-elect Pia Cayetano, Christopher “Bong” Go, Nancy Binay at Cynthia Villar.

Nakapaloob sa batas na maaring madiskwalipika ang sinumang nanalong kandidato na hindi makakapagpasa nito.

Hindi pa naman nakakapagsumite sina Senador Grace Poe, Sonny Angara, Koko Pimentel, Ronald “Bato” Dela Rosa, Imee Marcos, Ramon “Bong” Revilla Jr., Francis Tolentino at Lito Lapid.

Itinakda ng poll body ang deadline ng pagsusumite ng SOCE sa araw ng Huwebes, June 13, o isang buwan matapos ang eleksyon.

Nakasaad sa omnibus election code na kailangan ang pagsusumite ng SOCE at ang hindi paggawa nito ay ay pwedeng mangahulugan ng perpetual disqualification sa isang kandidato.

TAGS: 2019 midterm elections, comelec, Senators, SOCE, 2019 midterm elections, comelec, Senators, SOCE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.