Pag-recall sa Philippine officials sa China ipinaubaya ng Malakanyang sa DFA
Ipinauubaya na ng Malakanyang kay Forerign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang pagpapasya kung iparerecall ang Philippine officials sa China.
Tugon ito ng palaso sa panawagan ni Sen. Risa Hontiveros na pauwiin sa bansa ang Philippne officials sa China matapos ang banggaan ng chinse fishing vessel at bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank.
Ayon ay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa pagpapasya na ni Locsin kung ano ang mga hakbang na gagawin kaugnay sa panibagong insidente.
Hamon ng palasyo sa China, magsagawa ng imbestigasyon at parusahan ang mga dapat na parusahan sa naturang insidente.
Sadya aniyang uncivilized at barbaric ang ginawa ng clChinse fishing vessel na iwan na lamang sa karagatan ang mga Filipinong mangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.