Diplomatic protest inihain ng Pilipinas sa China kaugnay sa Recto Bank incident
Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin na nagsampa na ito ng diplomatic protest kaugnay sa paglubog ng isang Philippine fishing boat sa Recto Bank.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Locsin na kahapon niya inihain ang diplomatic protest.
Sinabi pa nito na iimbestigahan din ng Maritime Safety Committee ng International Maritime Organizarion ang insidente na nangyari noong Hunyo 9.
Sa nasabi din tweet ay tinukoy pa niya si Sen Antonio Trillanes IV na unang initekomenda sa DFA na makapagsagawa ang IMO ng independent and objective investigation sa pangyayari.
Hindi naman nagbigay pa ng iba pang detalye ng kanyang diplomatic protest si Locsin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.