Pagpapalubog sa fishing boat ng mga Pinoy sa West PH Sea sinadya ayon kay Rep. Villarin
Sinadya ng barko ng Chona na palubugin ang bangkang pangisda ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.
Ito ang paniniwala ni Akbayan Rep Tom Villarin kasabay ng pagsasabing ang iresponsableng ginawa ng Chinese Vessel ay isang malinaw na maritime militia na pinalabas lamang na fishing vessels para direktang ipahamak ang mga mangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Hindi aniya malabong maulit pa ang ganitong klaseng insidente kung patuloy na magiging malambot ang pamahalaan sa lehitimong claims sa pinag-aagawang teritoryo.
Kumbinsido rin si Magdalo Rep. Gary Alejano na ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang naka-angkla ay isang mensahe sa lahat na lubayan ang West Philippine Sea.
Sinabi nito na kailangang suportahan ng gobyerno ang mga Pilipinong mangingisda sa pamamagitan ng training at communication equipment upang madaling ma-contact at makahingi ng tulong sa Coast Guard at Navy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.