Giit ni Hontiveros, kung pina-recall ng Malakanyang ang Philippine ambassadors at mga consuls sa Canada dahil sa isyu sa basura, magagawa din ito ni Pangulong Duterte dahil sa buhay ng mga mangingisdang Filipino at sobereniya ng Pilipinas ang nakataya sa panibagong insidente.
Aniya sakaling ipa-recall ang mga opisyal ng Pilipinas ay dapat isiwalat ng gobyerno ng China ang lahat ng detalye ukol sa Chinese fishing vessel na dahilan ng paglubog ng bangkang pangisda ng 22 Filipino.
Bukod pa diyan, ayon pa sa senadora, dapat kilalanin at parusahan ang kapitan ng Chinese vessel at mga tripulante nito na nag-abandona sa mga mangingisdang Filipino.
Dapat din aniya mangako ang gobyerno ng China na hindi na mauulit ang mga katulad na insidente.
Tinawag ni Hontiveros na hindi makatao at kasumpa-sumpa ang ginawa ng mga Chinese nationals.