Muling itinaas ang yellow alert sa Luzon grid dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pag-iral ng yellow alert sa Luzon Grid ay mula 10:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga at mula ala 1:00 ng hapin hanggang 4:00 ng hapon.
Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational brownout bunsod ng yellow alert.
Pero payo ng NGCP at Meralco sa mga consumer magtipid sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.