Patay ang isang 61 anyos na driver makaraang maaksidente sa sa Sariaya, Quezon.
Minamaneho ni Leondrino Calizo ang kaniyang owner-type jeep nang makabangga ang isang truck habang binabagtas ang Maharlika Highway sa Brgy. Poblacion 1, Huwebes (June 13) ng madaling araw.
Naisugod pa sa ospital si Calizo pero idinekarang dead on arrival.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Hindi naman nasaktan ang driver ng truck na si Jayson Zamora na nasa kostodiya ngayon ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.