Duterte at Roxas pinayuhang itigil na ang hamunan sa publiko

By Isa Avendaño-Umali December 16, 2015 - 04:45 PM

duterte-roxas
Inquirer file photo

Nakapagpapababa lamang ng political discourse sa bansa ang patuloy na “word war” sa pagitan nina Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Tahasang sinabi ni House Minority Leader Ronaldo Zamora na mas nagiging “cheap” ang politika dahil sa away nina Roxas at Duterte at hindi ito ang eksena na gustong makita ng mga botante.

Punto pa ni Zamora, ang hamunan ng sampalan, suntukan o barilan ng dalawang presidentiables ay hindi makakatulong para sa kanilang kandidatura at lalong walang mangyayaring maganda mula rito.

Payo na lamang ni Zamora kina Roxas at Duterte, kapwa na silang mag-stepback o itigil na ang kanilang iringan dahil sadyang hindi ito magandang tingnan.

Sinabi pa ng Minority Leader ng Kamara, mag-focus na lamang ang dalawa sa pag-justify sa kani-kanilang rekord at accomplishments lalo’t nalalapit na ang 2016 elections.

Nag-umpisa ang hamunan sa pagitan ng dalawa makaraang sabihin ni Roxas na “myth” lamang ang law and order sa Davao City. Dahil dito, sinabi ni Duterte na sasampalin niya si Roxas kapag nagkita sila, subalit sinagot ito ng dating DILG Secretary at naghamon ng suntukan.

Kinalaunan, sinabi ni Duterte na barilan na lamang daw sila ni Roxas.

TAGS: 2016, duterte, roxas, Zamora, 2016, duterte, roxas, Zamora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.