Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at Cavite
Uulanin sa susunod na mga oras ang Metro Manila at Cavite.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 10:08 ng umaga malakas na buhos ng ulan na may malakas na hangin, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa susunod na dalawang oras sa Metro Manila at sa lalawigan ng Cavite.
Habang nakararanas naman na ng heavy hanggang intense na pag-ulan sa Zambales; Morong, Dinalupihan, Hermosa, Orani at Samal sa Bataan; Lubao, Masantol, Macabebe, San Fernando, Bacolor, Guagua, Santa Rita, Porac at Sasmuan sa Pampanga; Capas, Tarlac; Gapan, Nueva Ecija; San Miguel at Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.