4 na hinihinalang holdaper patay sa shootout sa Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2019 - 09:36 AM

Patay ang apat na hinihinalang holdaper sa engkwentro sa mga pulis sa Pampanga.

Nangyari ang insidente sa Barangay San Vicente sa bayan ng Apalit, Huwebes (June 13) ng umaga.

Isang concerned citizen ang nagsumbing sa Apalit police na may niloloobang convenience store naturang barangay.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company at nang makita ang sasakyan ng mga suspek ay pinara ito.

Pero sa halip na huminto, nagpaputok ng baril ang mga sakay ng sasakyan.

Duon na gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng apat.

Nakuha sa lugar ang dalawang 45 caliber pistols, isang 9mm pistol, at ang sasakyang ginamit ng mga suspek at hindi pa matukoy na halaga ng pera.

TAGS: 4 dead, apalit pampanga, apalit police, shootout, 4 dead, apalit pampanga, apalit police, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.