Chinese fishermen na nag-abandona sa mga mangingisdang Filipino dapat parusahan – Sen. Lacson

By Jan Escosio June 13, 2019 - 08:19 AM

Dapat maparusahan ng kanilang gobyerno ang mga mangingisdang Chinese na nag-abandona sa mga mangingisdang Filipino sa karagatan ng Recto Bank.

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa pinakabagong insidente ng diumano’y pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa senador kung tayo ay tunay na itinatratong kaibigan ng China ang pangyayari ay hindi pag-uugali ng isang kaibigan.

Banggit pa ni Lacson marami na sa ating mga kababayan ang nagdududa sa sinseridad ng China sa Pilipinas.

Pagdidiiin nito dapat ay mag usap na ang mga pinuno ng Pilipinas at China dahil sa insidente.

Inulit pa ni Lacson sa inilabas niyang pahayag na ang pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga responsableng Chinese ang tanging makakapagkumbinsi sa sambayanang Filipino na magkaibigan talaga ang turingan ng dalawang bansa.

TAGS: chinese fishermen, Radyo Inquirer, Recto Bank, Senator Panfilo Lacson, West Philippine Sea, chinese fishermen, Radyo Inquirer, Recto Bank, Senator Panfilo Lacson, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.