Pangulong Duterte dismayado sa Partylist system sa bansa

By Chona Yu June 13, 2019 - 08:15 AM

“Evil”.

Ganito inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Partylist system sa bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga bagong halal na lokal na opisyal aa Cagayan De Oro City, sinabi nito na lahat ng involved sa Partylist ay mayayaman.

Ayon sa pangulo, pinopondohan ng mga mayayaman ang Partylist group at ipinapangalan sa mga laborer.

Subalit ang totoo, ay ang mga mayayaman din ang nauupo sa puwesto kung kaya napapanatili nila ang kanilang sarili sa kapangyarihan.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang isang Partylist group na nanalo sa katatapos na eleksyon kung saan ang mga taong nasa likod nito ay dawit sa mga police generals na nasa narcolist.

Gayunman hindi na tinukoy ng pangulo ang pangalan ng Partylist.

“They were the ones lording it over sa region. And even if you ask any of the policemen, di sila makalihok because there were nine generals unya with the stupidity of the Filipino, nidaog pa gyud ni sila sa partylist,” ayon sa pangulo.

TAGS: party-list system, president duterte, Radyo Inquirer, party-list system, president duterte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.