Ilang araw nang nasa lansangan sa Hong Kong ang mga raliyista para tutulan ang kontrobersya na extradition bill.
Pero kahapon lalong dumami ang bilang ng mga raliyista at nabarahan na ang mga pangunahing kalsada dahilan para magdulot ng standstill na traffic.
Layon ng extradition bill na ang may mga kasong kriminal sa Hong Kong ay dalhin sa mainland China para doon litisin.
Kahapon dapat gagawin ang second reading sa panukala pero ipinagpaliban ito bunsod ng mga protesta.
Umabot na sa 72 ang sugatan sa engkwentro ng mga pulis at mga nagpoprotesta.
MOST READ
LATEST STORIES