Mahigit 70 sugatan sa kilos protesta sa Hong Kong; mga nagpoprortesta ginamitan ng tear gas at rubber bullets ng mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2019 - 07:58 AM

Ginamitan na ng rubber bullets at tear gas ng mga pulis ang libu-libong nagpoprotesta sa Hong Kong.

Ilang araw nang nasa lansangan sa Hong Kong ang mga raliyista para tutulan ang kontrobersya na extradition bill.

Pero kahapon lalong dumami ang bilang ng mga raliyista at nabarahan na ang mga pangunahing kalsada dahilan para magdulot ng standstill na traffic.

Layon ng extradition bill na ang may mga kasong kriminal sa Hong Kong ay dalhin sa mainland China para doon litisin.

Kahapon dapat gagawin ang second reading sa panukala pero ipinagpaliban ito bunsod ng mga protesta.

Umabot na sa 72 ang sugatan sa engkwentro ng mga pulis at mga nagpoprotesta.

TAGS: extradition bill, HOng Kong Protest, Radyo Inquirer, extradition bill, HOng Kong Protest, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.