14 arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2019 - 07:36 AM

Arestado ang 14 na katao sa operasyon kontra ilegal na droga sa Pandacan Maynila.

Ayon sa mga otoridad, isang concerned citizen ang lumapit sa kanila para isumbong ang bentahan ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Unang nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District Station 10 ang tatlong drug suspect na naaktuhan sa kasagsagan ng drug session.

Walong iba pa ang nadatnan sa lugar at nang sila ay kapkapan ay nakuhanan sila ng maliliit na plastic sachet ng shabu.

Agad namang itinuro ng mga suspek kung sinu-sino ang supplier nila ng ilegal na droga na pinangalanan nilang Aira, Ronaida at Alma.

Doon na nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis at isa ang nagpanggap na bibili ng shabu sa tatlo.

Nang magpositibo ang buy-bust ay inaresto na ang tatlo kung saan aabot sa P400,000 na na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa kanila.

TAGS: buy bust, manila, pandacan, War on drugs, buy bust, manila, pandacan, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.