Kanlurang bahagi ng Luzon apektado ng Habagat – PAGASA
By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2019 - 06:50 AM
Habagat pa rin ang nakaapekto ngayong araw sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA ang Habagat ay maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales at Bataan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.
Babala ng PAGASA ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring makapagdulot ng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.