7 arestado sa buy-bust operation sa QC; 1 buntis at 1 dating police asset kabilang sa nadakip

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2019 - 06:39 AM SHARE(S):

Arestado ang pitong katao sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Unang tinungo ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang bahay kung saan target sina alyas Jon at alyas Max na kapwa kalalaya lang sa kulungan noong June 6.

Maliban kina Jon at Max nadatnan din ang dalawang babaeng parokyano nila na ang isa ay limang buwang buntis.

Agad dinakip ang apat kung saan aabot sa 10 gramo ng shabu ang nakumpiska sa kanila na nagkakahalaga ng P68,000.

Sa hiwalay na operasyon sa parehong barangay ay naaresto naman ang tatlong iba pang drug suspects.

Kasama sa nadakip ang isang dating police asset na pinagkukunan ng impormasyon ng QCPD sa kanilang mga ikinakasang operasyon laban sa mga drug suspect sa lungsod.

TAGS: 7 arrested, buy bust operation, drug suspects, quezon city, War on drugs, 7 arrested, buy bust operation, drug suspects, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.