Kevin Durant kinumpirmang sumailalim siya sa operasyon dahil sa kaniyang Achilles injury

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2019 - 06:27 AM SHARE(S):
IG Photo

Kinumpirma ni Warriors star player Kevin Durant na siya ay sumailalim sa operasyon.

Ibinahagi ni Durant sa kaniyang Instagram account ang kaniyang larawan habang nasa hospital bed pa at katatapos lamang ng surgery.

Ayon kay Durant nagkaroon ng rupture ang kaniyang Achilles at naging matagumpay naman ang operasyon.

Pinasalamatan ni Durant ang kaniyang pamilya na nanatili sa kaniyang tabi.

Aniya, ninais niya talagang makapaglaro noong Game 5 dahil mahal na mahal niya ang basketball at nais niyang makatulong sa kaniyang koponan para makahabol ng tatlong sunod na panalo.

Ibinigay umano niya ang lahat ng kaniyang makakaya noong araw na iyon, at proud siya para sa kaniyang mga teammate.

Ayon kay Durant, tiwala siyang makukuha ng koponan ang panalo sa Game 6.

TAGS: achilles injury, Kevin Durant, NBA, operation, warriors, achilles injury, Kevin Durant, NBA, operation, warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.