WATCH: Filipino community sa Dubai ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan; Burj Khalifa itinampok ang watawat ng Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2019 - 06:24 AM

Ipinagdiwang ng Filipino community sa Dubai ang ika-121 Araw ng Kalayaan.

Nagtipun-tipon sa ang mga Filipino para saksikan ang paglitaw ng watawat ng Pilipinas sa pinakamataas na gusali sa mundo na Burj Khalifa.

Itinampok sa naturang gusali ang watawat ng Pilipinas bilang pakikiisa sa Filipino community sa Dubai sa paggunita ng Independence Day.

Sa official twitter account ng Burj Khalifa lumikha ng isang video kung saan ipinakita ang maraming Pinoy na nasa palibot ng gusali.

Maririnig din sa background ng video ang Lupang Hinirang at ipinakita ang pag-iilaw ng Burj Khalifa bilang Philippine Flag.

Sa Facebook video naman ng Philippine Consulate General sa Dubai, maririnig ang malakas na hiyawan ng mga Pinoy nang magsimulang lumitaw ang watawat ng Pilipinas sa gusali.

Sa Dubai Festival City naman, itinampok din sa kanilang laser at light show ang kultura ng Pilipinas.

Habang tinutugtog ang Bahay Kubo ay mapapanood sa display ang mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

TAGS: Burj Khalifa, independence day, philippine independence, Radyo Inquirer, Burj Khalifa, independence day, philippine independence, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.