Bagyong Onyok pumasok na sa teritoryo ng Pilipinas

By Den Macaranas December 16, 2015 - 03:57 PM

 

12390983_898863423556901_5302023380012356095_n
Pagasa Infographics

(Update) Kinumpirma ng PAGASA na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Onyok.

Ganap na 1:45pm kanina nang pumasok sa Eastern part ng Mindanao ang nasabing bagyo na inaasahang magdadala ng pag-ulan sa bahagi ng Mindanao at Visayas Region.

Sa 5pm weather bulletin na inilabas ng PAGASA, huling namataan si Onyok sa layong 860-kilometers Silangan ng Mati City Davao Oriental.

Ang nasabing sama ng panahon ay may lakas na 45kph at bilis na 20kph at tinutumbok ang direksyon ng Eastern portion ng Mindanao.

inaasahang magla-landfall si Onyok sa CARAGA Region sa Biyernes December 18 at inaasahang lalabas ng PAR sa araw ng Linggo.

 

TAGS: Nona, Onyok, Pagasa, Nona, Onyok, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.