Taxi driver natagpuang patay sa Pasay City

By Rhommel Balasbas June 13, 2019 - 04:53 AM

Screengrab of Jove Sog Hiang video

Natagpuang patay ang isang taxi driver mismong sa minamanehong taxi sa F.B  Harrison, Brgy. 16, Pasay City.

Ayon sa Pasay Police, kinilala ang biktima na si Edgardo Egan, 54 anyos.

Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa leeg, balikat at mukha.

Ayon sa isang security guard, may sakay na isang lalaki sa passenger side sa harapan ng taxi ang biktima bago ito nakitang huminto pagkalampas ng isang gas station.

Dahil madilim ang lugar ay walang nakita sa mismong pananaksak sa biktima.

Posibleng panghohold-up ang motibo sa krimen.

Hindi natagpuan ang dashcam ng taxi at ang cellphone ng biktima pero narekober ang kanyang mga pitaka at mga pera.

Tinitingnan na ang mga CCTV sa lugar na posibleng makatulong sa pagresolba sa kaso.

 

TAGS: cctv, Edgardo Egan, holdap, Natagpuang patay, Pasay Police, taxi driver, cctv, Edgardo Egan, holdap, Natagpuang patay, Pasay Police, taxi driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.